Mayroong nakatabing emergency funds ang Philippine Olympic Committee (POC) sakaling magkaroon ng paglilipat ng mga venues para sa mga qualifying events dahil sa banta ng coronavirus.
Sinabi ni POC deputy secretary general Richard Gomez, na nakahanda na ang mga karagdagang pondo para sa Philippine Sports Commission (PSC) sakaling may mga gagawing pagbabago.
May ibang mga atleta na kasi ang nakabili na ng mga tickets para sa mga sasalihan nilang qualifying rounds para sa Tokyo Olympics.
Nasa 22 atleta pa kasi ang kailangan pang dumaan sa qualifying tournments para makasali sa Olympics.
Inaasahan na magpapadala ang Pilipinas ng 35 hanggang 45 na atleta sa Olympics.
Magugunitang inilipat ang ilang mga venues ng mga qualifying games dahil sa banta ng coronavirus.