Muling tiniyak ngayon ni Philippine Olympic Committee (POC) president at Rep. Abraham Tolentino ang kanilang pag-iindorso sa kontrobersiyal na Pinoy Olympian at pole-vaulter EJ na Obiena na isasama nila ito sa nalalapit na Hanoi Southeast Asian Games (SEAG).
Ito ay sa kabila na initsapuwera na ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) si Obiena na kumatawan sa Pilipinas sa mga international competitions.
Ang SEA Games ay nakatakdang ganapin sa May 12 hanggang May 23 nitong taon kung saan ang Pilipinas ang defending champion.
Naniniwala naman si Tolentino na kung pagbabatayan ang mga performance ni Obiena ay sigurado na ang pagsungkit nito ng gold medal sa Vietnam Games at sa Hangzhou Asian Games na gaganapin naman sa buwan ng Setyembre.
Kung ipapaalala si EJ ang may hawak ng SEAG record na 5.45 meters at ang Asian record na 5.93 meters.