Tiwala si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino na mahihigitan ng Pilipinas ang nahakot nitong mga medalya sa nagdaang Asian Games.
Sinabi nito na na noong nakaraang limang taon ay mayroong 272 na atleta ang ipinadala ng Pilipinas sa 31 sports events kung saan nakapag-uwi ng apat na gold, dalawang silver at 15 bronze medal ang bansa.
Ngayong 19ths Asian Games sa Hangzhou, China ay mayroong 395 na atleta na sasabak sa 40 sports.
Sa kabuuang ay mayroong 12,417 na atleta ang maghaharap mula sa 45 na bansa kung saan paglalabanan nila ang 481 gold medals sa 40 sports events na magsisimula ngayong araw at magtatapos ng Oktubre 8.
Inihayag naman ni Tolentino na all-set na ang bansa para sa Asian Games kung napiling maging flag bearer sina skateboarder Margeilyn Didal at pole vaulter EJ Obiena.