-- Advertisements --
Pinaghahandaan na ng Philippines Olympic Committee (POC) ang ilang mga international sporting events na lalahukan ng mga atleta ng bansa.
Ayon kay POC President Abraham “Bambol” Tolentino, na ngayon pa lamang ay pinagpaplanuhan nila ang gaganaping Southeast Asian Games na gaganpin sa Bangkok, Thailand sa susunod na taon.
Aapela sila sa organizers ng SEA Games dahil sa tinanggal nila ang apat na sports sa nasabing torneo.
Kapag natanggal ang nasabing mga sports ay maaaring mabawasan ng walong gintong medalya ang bansa.
Tinanggal kasi ng organizer ng SEA Games sa Thailand ang mga sports na weightlifting, wushu, jiu-jitsu at karate.
Umaasa si Tolentino na papaburan sila ng SEAG Federation sa ginawa nilang pag-apela.