Pinasalamatan ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino si Pangulong Ferdinand Marcos Jr dahil sa pagbibigay pugay sa mga atleta ng bansa na sasabak sa Paris Olympics.
Ayon kay Tolentino na ngayon lamang sa isang pangulo ng bansa na maisama sa State of the Nation Address ang pagkilala sa pagsisikap ng mga atleta ng bansa.
Magugunitang mayroong kabuang 22 Pinoy athlete ang sasabak sa Olympics mula Hulyo 26 hanggang Agosto 11 habang anim ang kuwalipikado sa Paralympics na magsisimula mula Agosto 28 hanggang Setyembre 8.
Ito rin ang pang-100 taon na lumalahok ang Pilipinas sa Olympics.
Sa SONA ni Pres. Marcos ay kaniyang binigyang kilala rin ang mga lugar kung saan ginaganap ang Palarong Pambansa na siyang naghuhubog sa mga atleta ng bansa.