Humanga si Philippine Olympic Committee (POC) president Rep.Abraham “Bambol” Tolentino sa ginagawang hakbang ng organizer ng 2022 Beijing Olympics para malabanan ang pagkalat ng COVID-19.
Sinabi nito na ipinapatupad ng Beijing organizers ang “closed loop” approach sa loob ng 17-araw na kompetisyon.
Mas mahigpit aniya ito kaysa sa ipinatupad sa Tokyo Olympics noong nakaraang taon.
Nakita nito sa closed loop system na ipinatupad sa tatlong cluster sa Beijing, Yanquing at Zhangjiakou ay naging epektibo ito.
Kapag lumabag ka aniya sa mga loop ay magpapataw sila ng multa.
Kumpara aniya sa Tokyo ay nakakalabas -pasok sila sa Olympic village para makabili ng mga pagkain.
Umabot aniya sa halos 27,000 volunteers ang sinanay at naka-quarantine sa mga hotels ng dalawang buwan at pinagbabawalan ang mga ito na lumabas.
Magugunitang kabilang si Tolentino sa deligado ng bansa para sa Winter Olympics na siyang titingin sa laro ng nag-iisang pambato ng bansa na si Asa Miller.