-- Advertisements --

Ipinagmalaki ni Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino na mayroong mga malalaking sporting events na asahan na dito sa bansa gaganapin.

Muling nahalal kasi si Tolentino bilang POC president matapos na talunin ang dating basketbolistang si Chito Loyzaga sa botong 45-15.

Sinabi nito na ang resulta ng halalan ay nagpapakita lamang na marami sa kaniyang miyembro ang nagtitiwala sa pamumno niya.

Nais nito na mapanatili ang mga paghakot ng gintong medalya ng mga atleta ng bansa gaya sa mga atleta ng bansa na sumabak noon sa Paris Olympics at sa Tokyo Olympics.