Nanindigan si Philippine Olympic Committee president Abraham “Bambol” Tolentino sa kanyang forecast na maaaring malampasan ng mga Filipino athletes sa 19th Asian Games ang kanilang ipinakita limang taon na ang nakararaan sa Indonesia.
“Ganoon pa din. Our target remains the same,” ani Tolentino.
Limang taon na ang nakalilipas, ang Pilipinas ay nagtala ng 272 atleta sa 31 sports, at nag-uwi ng apat na gintong medalya, tig-dalawa sa golf at tig-iisa sa skateboarding at weightlifting, kasama ang dalawang pilak at 15 tansong medalya.
Sa pagkakataong ito, ang Pilipinas ay magdadala ng kabuuang 395 atleta sa kabisera ng Zhejiang province at maglalaban-laban sa 40 sports.
Sa pangkalahatan, ang Asian Games record number na 12,417 atleta mula sa 45 bansa ay maglalaban-laban sa kabuuang 481 gintong medalya sa 40 sports hanggang Oktubre 8.
Nagsilbi namang Philippine flag bearer si skateboarder Margielyn Didal, gold medalist sa 2018 Asian Games, at ang pole vaulter na si EJ Obiena, ang Asian record-holder at ngayon ay nasa ranking No. 2 sa mundo.