-- Advertisements --
bambol
POC chairman Abraham “Bambol” Tolentino talks with PHISGOC chairman Alan Peter Cayetano

Prioridad ng bagong halal na Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang pagkakaisa ng kaniyang mga miyembro.

Sinabi ni Tolentino na handa nitong sagutin ang anumang ibabatong tanong sa kaniya ng mga member of the board.

Nakatakdang pulungin niya ang POC members sa darating Biyernes, Agosto 2 at nakatuon dito ang paghahanda nila sa gaganaping 30th Southeast Asian Games sa bansa.

Ibinunyag nito na kaniyang binitawan na ang pagiging sports director ng PHISGOC at magiging vice-chairman na lamang matapos na mahalal bilang POC president.