-- Advertisements --
Tiniyak ng Philippine Olympic Committee (POC) ang pagsabak ni Filipino pole vaulter EJ Obiena sa Southeast Asian Games at Asian Games.
Ayon kay POC President Abraham “Bambol” Tolentino na gagawin nila ang lahat ng paraan para sa pagsabak ni Obiena sa dalawang torneo.
Igigiit nito ang probisyon sa International Olympic Committee charter na ang National Olympic Committee ang may otoridad na magsumite ng delegasyon sa mga international tournament.
Magugunitang hindi na kinilala ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) si Obiena dahil sa alegasyon na pineke umano nito ang mga liquidation sa bayad sa coach nito.