-- Advertisements --

Tiniyak ni Philippine Olympic Committee na pipigilan nila ang bansang Vietnam na mangibabaw sa 31st Southeast Asian Games sa susunod na taon kahit na sa teritoryo nila ito gaganapin.

Sinabi ni POC President Abraham “Bambol” Tolentino, na magiging competitive at pahihirapan nila ang host country.

Isang paraan na kanilang gagawin ay ang pagbuo ng national squad pero depende pa rin ito kung mayroon ng bakuna.

Magugunitang nanguna ang Pilipinas sa katatapos na Southeast Asian Games noong nakaraang taon na mayroong 149 gold medals habang pumangalawa ang Vietnam na mayroong 98 golds.