-- Advertisements --

Nagbigay na ng tulong pinansiyal ang Philippine Olympic Committee (POC) sa mga atletang naapektuhan ng bagyong Odette sa bahagi ng Visayas at Mindanao.

Mayroong tig-P10,000 na tulong pinansiyal ang binigay sa 10 surfers at dalawang coach nila sa Siargao.

Kasama rin na nabigyan ng tulong si Olympic marathoner Mary Joy Tabala na residente ng Cebu.

Sa 10 surfers ay tanging si John Matthew Carby ang naka-kontak sa POC dahil sa halos lahat ng mga linya ng komunikasyon ay nasira.

Umaasa sila na matawagan ang mga ibang atleta na tinamaan ng bagyong Odette.