-- Advertisements --

Tiwala si Philippine Olympic Committee (POC) president at Rep. Abraham Tolentino na magkakaroon ng libreng bakuna mula sa gobyerno ang mga atleta na sasabak sa ilang international sporting events.

Sinabi nito na kung hindi gobyerno ay may mga private sponsors na siyang magbibigay ng COVID-19 vaccines para maging ligtas ang mga atleta.

Dahil na rin sa nalalapit na ang Tokyo Olympics ay naniniwala ito na magbibigay ang organizers ng Japan ng mga bakuna sa ilang mga atleta ganon din sa mga miyembro ng delegasyon.

Magugunitang nasa 20 atleta ang balak na ipadala ng bansa sa Tokyo Olympics habang nasa 10,000 na atleta ang ipapadala sa Southeast Asian Games sa bansang Vietnam.