Naniniwala ang Philippine Olympic Committee (POC) na mayroon pang madadagdag na mga atleta ng bansa na sasabak para sa Paris Olympics.
Sinabi ni POC president Abraham Tolentino na target nilang mahigitan ang bilang ng mga atleta na ipinadala noong Tokyo 2021.
Sa nasabing torneo ay mayroong 19 habang sa kasalukuyan ay mayroon ng 15 ang tiyak na makakalahok sa Paris Olympics.
Ang boxing aniya ang may pinakamaraming bilang mga boksingero na mayroong lima na pinangunahan nina Carlo Paalam, Nesthy Petecio, Eumir Marcial, Aira Villegas at Hergie Bacyadan.
Pangalawa ang apat na gymnast na sina Carlos Yulo, Aleah Finnegan , Levi Ruivivar, at Emma Malabuyo.
Habang mayroong tatlong weightlifters na sina Elreen Ando, John Ceniza, at Vanessa Sarno, kasama rin si pole vaulter EJ Obiena, rower Joanie Delgaco at fencer Sam Catantan.
Dagdag pa ni Tolentino na isa sa mga inaasahan na makakasama si Filipino-Japanese Kiyomi Watanabe na sumabak na Olympic qualifiers at ilang mga athletics.
Ang mga atleta ng bansa ay aalis sa Hunyo 22 para sa training venue sa France bilang paghahanda sa Paris Olympics na magsisimula sa Hulyo 26.