-- Advertisements --
5 1
(From right to left) Senators-elect Bong Revilla Jr., Francis Tolentino, Lito Lapid, Bato Dela Rosa, Bong Go, Cynthia Villar, Grace Poe, Pia Cayetano, Sonny Angara, Imee Marcos, Koko Pimentel, and Nancy Binay.

Pormal nang naiproklama ngayong araw ang 12 senatorial candidates na nanalo sa katatapos lamang na 2019 midterm election.

Isinagawa ang proklamasyon sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Dumalo rin sa nasabing proklamasyon ang kani-kanilang mga mahal sa buhay.

Ngunit mas pumukaw ng pansin sa lahat ang nangyaring photo op matapos ang proklamasyon.

Ito ay dahil habang kinukuhanan ng litrato ang mga bagong senador ay ginawa nila ang signature fist bump ni Pangulong Rodrigo Duterte ngunit hindi ito ginaya nila incumbent Senators Grace Poe at Nancy Binay.

Bagkus ay nilagay ni Poe ang kanang kamay nito sa kanyang kaliwang dibdib habang si Binay naman ay tila tumuro sa itaas.

Umani naman ito ng iba’t ibang papuri mula sa mga netizens dahil daw makikita mula rito ang paninindigan ng dalawa sa kanilang pinaniniwalaan.

All-out support din sina Pol. Gen. Oscar Albayalde at NCRPO Pol. Maj. Gen. Guillermo Eleazar sa bagong senador na si Sen. Bato Dela Rosa na walang kasamang pamilya dahil na rin daw sa pabago-bagong schedule ng proklamasyon.