-- Advertisements --
Mahigpit pa rin na bubusisiin ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) ang mga vaccination cards ng mga returning overseas Filipino workers (OFW).
Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na nakasaad sa IATF Resolution 123-C na dapat maipakita ng mga OFW ang kanilang certificate of vaccination bilang patunay na kumpleto na nila ang kanilang bakuna laban sa COVID-19.
Bukod pa dito ay kailangan magpakita ang mga ito ng valid passport o mga travel documents.
Maari aniyang gawin lahat ito sa OneHealth Pass portal.