-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nakahanda ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa pagsasagawa ng forced repatriation kung lalong lalala ang tensiyon sa Myanmar.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni POEA administrator Bernard Olalia na patuloy ang monitoring nila sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Myanmar katuwang ang mga agency na nag-hire sa kanila.

Pangunahing mino-monitor ng mga agency ang kaligtasan ng mga OFWs habang ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) ang nagmo-monitor sa sitwasyon sa naturang bansa at sila rin ang magmumungkahi kung kailangang magpatupad ng forced repatriation sa mga Pilipino.

Sa ngayon ay wala pa naman silang nababalitaan na hindi magandang pangyayari subalit kung lumala ang sitwasyon ay bukas sila para rito.

Alam aniya ng mga Pinoy ang dapat nilang kontakin kapag magkaroon ng gulo sa kanilang kinaroroonan.