-- Advertisements --
Ipinaliwanag ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) kung bakit itinigil nila pansamantala ang pagpapadala ng mga nurses sa ibang bansa.
Sinabi ni POEA Administrator Bernard Olalia na naabot na nila ang itinakdang quota na 5,000.
Paglilinaw pa nito na ang mga healthcare workers na nabigyan ng overseas employment certificiates ay papayagan pa rin na mai-deploy sa ibang bansa.
Magugunitang nagpasya ang gobyerno na hanggang 5,000 lamang ang bilang ng mga nurses na ipapadala sa ibang bansa dahil sa nararanasang COVID-19 sa bansa na lubos ang pangangailangan sa mga ito.