-- Advertisements --
Nangangailangan ng 50 nurse at 300 care workers ang Japan, ayon sa Philippine Overseas Employment Administrtion (POEA).
Sinabi ng POEA na ang deadline ng applications sa kanilang mga regional offices ay sa darating na Mayo 10, 2019 na.
Samantala, ang deadline naman para sa mga applicants sa POEA central office sa Mandaluyong City ay sa darating na Mayo 17 ng taong kasalukuyan.
Kuwalipikasyon para maging nurse:
- graduate ng Bachelor of Science in Nursing na may active PRC license
- minimum ng tatlong taong hospital work experience
- dapat motivated at committed sa trabaho at pag-aaral bilang candidate sa “Kangoshi” para makakuha ng National License sa Japan
Kuwalipikasyon para maging care workers:
- graduate ng Bachelor of Science in Nursing (meron o walang PRC license)
- graduate ng anumang four-year course na may TESDA National Certificate II sa Care-giving (NC II)