Minamadali Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang paggawa ng implementing rules and regulations (IRR) ng Department of Migrant Workers na nakatakdang ipatupad sa pag-apruba ng 2023 General Appropriations Act.
Sinabi ni POEA Administrator Bernard Olalia na may mga ginawa na silang pagpupulong at pinag-usapan dito ang paglilipat nila sa bagong departamento.
May gagawing pagpupulong din ang Department of Labor and Employment (DOLE) kung saan halos lahat ng mga ahensiya ng bagong departamento ay manggagaling.
Dagdag pa nito na mayroong dalawang taon na transition period ang kanilang opisina kun saan isasagawa ang organization structure at staffing patterns, budget at resources sa kanilang opisina.
Pamumuna ng bagong opisina ng isang kalihim na sasamahan ng apat na undersecretaries at anim na assistant secretaries.
Magugunitang noong nakaraang linggo ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11641 na nag-aatas ng pagbuo ng Department of Migrant Workers.