-- Advertisements --

Nagbabala ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga nag-aapply ng trabaho laban sa text message scam na nag-aalok ng trabaho abroad.

Ayon sa Anti-Illegal Recruitment Unit ng ahensiya, sa naturang job scam nagpapadala ng text message sa mga biktima para iclick ang isang link na naglalaman ng detalye ng job opportunity.

Kapag nakatanggap ng naturang text message, iignore na lamang o idelete dahil ito ay scam. Hindi ito mula sa POEA. Ang naturang text ay phishing scam kung saan kapag clinick ang link ay redirect ito sa isang website para makakuha ng personal data, password, account number o ib apang sensitibong impormasyon at gamitin sa iligal na aktibidad.

Nagpaaalala din ang POEA na makipagtransakyon lamang sa ahensiya o sa mga accredited recruitment agencies kung nais nilang mag-aapply ng trabaho abroad.

Top