-- Advertisements --

Naghahanap ngayon ng alternative job market ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) para sa mga kababayan overseas Filipino workers (OFWs) na lubhang naapektuhan ng patung-patong na economic sanctions na kinakaharap ngayon ng Russia.

Ayon kay POEA chief Bernard Olalia, magsisimula nang maghanap ng trabaho ang kagawaran para sa mga OFW na tutugma sa skills ng mga ito.

Nabanggit din ni Olalia na ang traditional at emerging markets sa mga bansang Israel, Taiwan, at Japan ay bukas na rin para sa mga Pilipinong manggagawa.

Bukod dito ay inaasahan na rin na muling magbabalik sa Arbil ang deployment para sa mga Pinoy tourism workers at nakikitang tataas pa ang deployment ng bansa sa ibayong dagat kumpara sa nakalipas na dalawang taon.

Samantala, ipinahayag naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na muling iginiit ng Pilipinas ang buong suporta nito sa United Nations Internation Court of Justice (ICJ) para ayusin ang hidwaan sa pagitan ng Ukrain at Russia .