Pinagtibay ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang inamyendang listahan ng mga lugar na kabilang sa high-risk o mapanganib para sa mga seafarers, na magbibigay sa kanila ng premium pay kapag naglalayag o dumadaong sa mga lugar na iyon.
Ang nasabing mga lugar ay napagkasunduan ng social partners ng International Bargaining Forum na tinalakay naman sa pagitan ng mga unyon ng seafarers at international maritime employers.
Sa ilalim nito ay makakatanggap ng karagdagang bayad ang mga Pinoy seafarers bukod pa sa kanilang mga benefits sa oras na naglayag ang mga ito sa limang ports at lugar na kabilang sa nasabing listahan.
Samanatala, naging epektibo naman ang naturang probisyon simula pa noong Marso 1 sa kabila ng nakalagay na Abril 1 na mismong petsang nakalagay sa nasabing resolusyon.