Ikinatuwa ng mga economic manager ng administrasyong Marcos ang pagbabawal sa Philippine Offshore Gaming Operations kasunod ng pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang State of the Nation Address nitong Lunes.
Ang anunsyo ng pangulo ay matapos maiugnay ang mga POGO sa iba’t ibang ilegal na aktibidad.
Kung saan, nagpahayag ng suporta si Trade Secretary Alfredo Pascual sa direktiba ni Pang. Marcos.
Idinagdag ng kalihim na ang POGO ban ay maaaring makaakit ng mga mamumuhunan, lalo na para sa turismo.
Saad pa ng opisyal na maaari nitong gawing mas kaakit-akit ang ating bansa sa mga naghahanap ng paglilibangan dahil ang POGO ay lumilikha ng masamang impresyon, na nagreresulta sa karahasan.
Aniya, masyadong mysteryoso ang ginagawa ng POGO.
Naniniwala naman si Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Secretary Frederick Go na ang kasalukuyang investment prospect ay hindi maaapektuhan ng pagbabawal ng POGO.
Idinagdag ni Go na ang pagbabawal ay nagpapakita na ang administrasyong Marcos ay nangangahulugan ng negosyo at maaaring maging epektibo sa kapakinabangan ng bansa para makakuha ng mas marami pang investments.