-- Advertisements --

Tiniyak ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na walang mga offshore gaming company sa bansa na pinapatakbo ng Chinese firms.

Sinabi ni PAGCOR policy and offshore gaming licensing division Victor Padilla, na halos lahat ng mga offshore companies ay may mga local companies na nakabase sa bansa.

Sa kabuuang 60 Philippine Offshore Gaming Operators (Pogos) ay mayroon lamang 48 lamang ang operationals.

Tiniyak din nito na ang mga offshore gaming sa bansa ay hindi nasasangkot sa online gaming.