Nagkasa ng raid ang mga awtoridad sa isang Philippine Offshore Gaming Operator (Pogo) hub sa Angeles city, Pampanga nitong araw ng Martes.
Naaresto ang 179 na banyaga kabilang ang Chinese, Vietnamese, Malaysians, Burmese, at Koreans na sangkot sa human trafficking at 29 na Pilipino.
Sa ulat na inilabas ngayong araw ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), sinabi nito na inaresto ng kanilang mga tauhan, sa pakikipagtulungan sa mga operatiba ng PNP units ang kabuuang 186 na indibidwal sa loob ng Pogo complex sa may Friendship Highway, Angeles city.
Ang ni-raid na POGO hub ay mayroong 45 gusali na mas malaki kumpara sa isang POGO firm na ni-raid sa Bamban, Tarlac.
Nag-ugat ang operasyon sa inisyung warrant of arrest ni Presiding Judge Maria Belinda Rama ng Malolos Regional Trial Court, Branch 14, laban sa ma opisyal at empleyado ng Lucky South 99.
Inisyu ang warrant kasunod ng inilabas na report na natanggap ng PAOCC mula sa isang confidential informant na idinetalyeng siya ay sexually trafficked sa lugar habang tinorture naman ang isang lalaking dayuhan.
Sa ngayon, sumasailalim na ang lahat ng dayuhan sa immigration biometrics.