-- Advertisements --
Inirekomenda ni dating Bayan Muna Party-list Representative Neri Colmenares na gamitin ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) hubs bilang temporary evacuation centers.
Ito ay sa gitna na rin ng bantang pagtama ng Super Typhoon Pepito sa Central at Northern Luzon.
Ayon sa dating mambabatas, maraming pasilidad ng POGO sa mga lugar tulad ng Bamban sa Tarlac, Porac sa Pampanga, Bataan, Bulacan, Cagayan at Metro Manila ang maaaring gamiting evacuation centers na maluwag at well-equipped.
Binigyan diin din ni Colmenares na marami sa naturang mga pasilidad ang mayroon ng medical centers at may maluwag na espasyo kayat angkop itong gawing emergency shelter habang inaantay na maipasa ang Permanent Evacuation Centers Bill.