-- Advertisements --

Nahuli sa Davao ang manager ng ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga na tinangkang umalis ng bansa.

Ayon kay PAOCC spokesperson Dr. Winston Casio, isa ang naturang manager sa persons of interest na iniiugnay sa POGO hub.

Napa-offload umano ito sa Immigration nitong Linggo habang palabas ng bansa.

Nakatakda namang dalhin ng mga awtoridad ang naturang manager sa Manila ngayong araw.

Matatandaan na sinalakay ng mga awtoridad ang naturang POGO hub ngayong Hunyo dahil sa ilegal na mga aktibidad at nasagip ang 158 dayuhan kung saan nadiskubre ang mga ebidensiya ng torture at kidnapping sa compound.