-- Advertisements --
Senator Franklin Drilon
Senator Drilon/FB image

ILOILO CITY – Nanindigan ang Ilonggo na si Senator Franklin Drilon na walang mabuting maidudulot sa ekonomiya ng bansa ang industriya ng Philippine offshore gaming operations o POGO.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo sa Senate Minority Leader, sinabi nito na mga Chinese lamang ang nakikinabang sa operasyon ng POGO.

Ayon kay Drilon, sinasamantala ng China ang mga butas sa ating Saligang batas kung saan napapahintulutan ang mga Chinese na pumasok bilang turista ngunit kalaunan ay nagtatrabaho na sa mga POGO kahit walang mga valid work permits.

Naniniwala din ang senador sa pahayag ni Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana,na ang POGO operations malapit sa mga military camps sa bansa ay ginagamit sa pang-eespisya ng China na maituturing na malaking banta sa seguridad ng bansa.