-- Advertisements --
Nagmatigas ang isang Chinese national na POGO worker ilang oras bago ang kanilang flight pabalik ng kanilang bansa matapos napa deport sa Pilipinas.
Dahil dito, pinunit ng naturang indibidwal ang kanyang deportation document dahil sa kagustuhan nitong manatili sa bansa.
Aabot naman sa pito katao ang nagtulong tulong para makontrol ang nasabing Chinese National.
Kaagad naman itong pinusasan ng mga tauhan ng Bureau of Immigration Fugitive Search Unit dahil na rin sa eksena nito sa NAIA immigration area.
Ayon sa BI , ang nasabing indibidwal ay ang umano’y isa sa mga POGO boss na kabilang sa ipinadeport ng Pilipinas pabalik sa China.
Humupa naman ang eksena ng naturang indibidwal at natuloy sa kanilang flight pabalik sa kanyang bansa.