-- Advertisements --

Natikman ng Phoenix Super LPG ang kanilang unang pagkatalo sa kamay ng TNT Tropang GIGA 110-91 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Nahabol ng TNT ang 14 na kalamangan ng Super LPG sa laro na ginanap sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center.

Bumida sa panalo si RR Pogoy na nagtala ng 30 points habang mayroong 18 points at 15 rebounds si Poy Erram.

Hawak pa ng Fuel Masters ang 54-45 na kalamangan sa halftime ng malusutan sila ng TNT.

Dahil dito ay mayroong ng apat na panalo at wala pang talo ang TNT.

Sinabi ni TNT coach Bong Ravena, na kanilang pinag-aralan ang mga diskarte sa pagsapit ng first half.