-- Advertisements --

Kinansela ng bandang Poison ang kanilang show sa Nashville matapos na itakbo sa pagamutan ang lead vocalist nila na si Bret Michaels.

Dinala ito sa pagamutan ilang oras bago ang pagtugtog nila.

Sinasabing nagkaroon umano ng hindi maganda ang reaction sa gamot nito na may kinalaman sa COVID-19 bukod pa sa pagiging diabetic nito.

Kabilang kasi ang banda na kasama ang iba pa gaya ng Def Leppard, Motley Crue at Joan Jett.

Hindi naman maitago ng ibang mga fans ng banda ang kanilang pagkadismaya dahil sa may ilan ang bumiyahe pa sa malayo para manood ng concert.