-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng komedyanteng si Pokwang na ito ay gumaling na matapos dapuan ng COVID-19.

Sa kaniyang Instagram account ay kinumpirma nito na siya ay “COVID-free” na matapos ang walong araw na isolation.

Nakaranas umano ito ng matinding sintomas ng nasabing virus.

Kasabay din ng kaniyang paggaling ay ipinagdiwang niya ang ika-apat na kaarawan ng kaniyang anak na si Malia.