-- Advertisements --

Nais ni Pokwang na personal ma makausap si Facebook co-founder Mark Zuckerberg para isumbong mga fake accounts na gumagamit ng pangalan nito para makapanloko ng ibang tao.

https://www.instagram.com/p/B_G2IvqgHFf/?utm_source=ig_embed

Sinabi nito na kahit na magdugo ang ilong niya sa pagsalita ng english ay kaniyang gagawin para tuluyang matigil na ang paggamit ng mga kilalang indibidwal.

Nauna ng nagbabala ang komedyante sa gumamit ng kaniyang accoutn sa social media na mayroong mahigit kalahating milyon ang followers.

Hindi rin nito maiwasan na magalit sa Facebook dahil pinapayagan ang paggawa ng mga pekeng account gamit ang mga sikat na personalidad.