Nananatili pa ring naka-trap sa border ng Poland at Belarus ang libu-libong mga migrants.
Hindi maggawa ng mga ito na makatawid sa borders lalo pa’t nasa 15,000 Polish soldiers ang pumipigil sa kanila.
Karamihan sa mga migrants ang nakaranas na ng hypothermia at halos masira na ang kanilang mga buto dahil sa sobrang lamig ng panahon sa nagyeyelong kagubatan.
Nakapagtala ang mga Polish border guard ng nasa halos 600 migrants na nagpupumilit na tumawid sa border.
Mahigit 100 naman sa mga ito ang sinusubukang sirain ang bakod.
Dahil dito, nasa siyam ka tao ang hinuli habang 48 ang ipinapabalik sa Belarus.
Pinagbawalan naman ang mga journalist at aid workers na bumiyahe sa nasabing lugar matapos magdeklara ng state of emergency ang Poland.
Tanging mga local residents lamang ang pinayagan na makapasok sa nasabing area kapag may maipakitang identification documents.
Napag-alaman na ang Estados Unidos at European Union ay naghanda na ng sanctions laban sa Belarus.