Hinarang ng Poland authorities ang pagdagsa ng daan-daang migrants na nagtangkang iligal na pumasok sa naturang bansa mula Belarus.
Nagpatawag ng isang crisis meeting ang Polish government at nag-deploy ng 12,000 tropang militar sa rehiyon.
Inakusahan ng Poland ang Belarus sa paghihikayat sa mga migrants mula sa Middle East at Africa bilang retaliation sa western sanctions sa administrasyon ni Belarus President Alexander Lukashenko dahil sa human rights abuses.
Mariin namang itinaggi ng Pangulo ng Belarus ang naturang paratang at sinisi sa western ang hindi magandang pagtrato sa mga migrants.
Batay sa Belarusian border guard agency na nasa mahigit 2,000 refugees ang dumagsa sa borders ng Poland.
Patungo umano ang mga ito sa European union dahil nais ng mga migrants na humingi ng proteksiyon.
Ayon sa Polish government, nasa pitong migrants ang natagpuang patay sa may border at may ilang napaulat na marami pang namatay sa Belarus dahil sa hypothermia.