-- Advertisements --

Naniniwala ang deputy foreign minister ng Poland na si Marcin Przydacz, na ang missile attack ng Russia malapit sa kanilang border ay bahagi ng banta sa North Atlantic Treaty Organization (NATO).

Una nang napaulat na 35 katao ang patay sa naturang missile strike sa Yavoriv training base, may 20 kilometro lamang ang layo sa border ng Poland.

Ayon sa opisyal ng Poland, masyado umanong malaking probokasyon ang naturang ginawa ng Russian forces.

Naniniwala pa ang deputy foreign minister na tiyak namand alam ng Russia na ang naturang military bases ay masyadong malapit na sa Polish border.

Giit pa nito, nagpapakita lamang daw ito na ang ginawa ng Russia ay bahagi ng pagbabanta sa NATO at nais nilang magparating ng mensahe.

Una rito, si US Secretary Antony Blinken ay mariin kinondena ang Russian Federation sa naturang pangyayari.

“We condemn the Russian Federation’s missile attack on the International Center for Peacekeeping and Security in Yavoriv, close to Ukraine’s border with Poland. The brutality must stop.”