Nagbubunyi ang Poland sa nalalapit na pag-beatify ni Pope francis sa itinuturing na pamilyang martir noong Nazi regime.
Ang mag-asawang Jozef at Wiktoria Ulma ay pinatay ng German police noong World War II dahil sa kanilang pagtulong at pagtago sa iilang myembro ng Jewish community sa kanilang farmhouse sa southeastern Poland noong 1942.
Pinatay rin ng Nazis ang pito nilang mga anak pati na ang pinagbubuntis noon ni Wiktoria.
Nitong buwan ng Disyembre nang kinilala ni Pope Francis ang martyrdom ng naturang Catholic family.
Ayon sa Vatican, napag-alaman ng Santo Papa ang kuwento ng Ulma family noong bumisita siya sa Poland para sa 2016 pilgrimage.
Ang susunod sa recognition ng martyrdom ay ang beatification o ang huling formal step bago ang possible sainthood.
Matapos ang beatification, kinakailangan ang miracle na mauugnay sa kanilang intercession para sa canonization o ang sainthood process sa Catholic church.
Ayon kay Bombo Neva Intrepido Kessler, international correspondent sa Warsaw, Poland, sa ngayon ay isinasama na rin ang Ulma Family sa religion classes ng mga mag-aaral sa naturang bansa.
Maliban dito, may isinagawa rin na mga misa upang makilala ng publiko ang posibleng sununod na Polish saints.