-- Advertisements --
MISSILE IN POLAND2

Ibinunyag ng Poland ambassador sa United Nations na nagpigil lang ang kanilang bansa kaugnay sa missile na tumama sa isa sa kanilang mga village na ikinamatay ng dalawang katao.

Inihayag ni Krzysztof Szczerski, nagsaggawa na ang Poland ng “extensive multiphase investigation” kaugnay sa insidente.

Nagsaggawa rin ito ng intensive consultations sa NATO allies at key partners nito.

Ibinunyag din nito na ang insidente ay nag-udyok sa Poland na dagdagan ang combat readiness ng isang yunit ng aarmed forces na nakatuon sa airspace monitoring.

Napag-alaman na gumawa ng hakbang ang western leaders upang pakalmahin ang pangamba na mayroong mangyaring escalation sa digmaan ng Russia at Ukraine.

Nauna nang sinisisi ni Ukrainian leader Volodymyr Zelensky ang Russia ngunit ang Estados Unidos, tulad ng North Atlantic Treaty Organization, ay matatag na sumuporta sa pagtatasa ng Warsaw na ang nakamamatay na misile ay malamang nagmula sa Ukraine.