-- Advertisements --
Poland China
China vs Poland/ Fiba photo

Pinahiya ng Poland ang host country na China sa kanilang overtime game 79-76 sa nagpapatuloy na FIBA World Cup.

Naging bida sa panalo si shooting guard Mateusz Ponitka na may 25 points, nine rebounds at tatlong assists.

Nasayang naman ang nagawang 24 points, walong rebounds at isang assist ni NBA veteran Yi Jianlian para sa China.

Tabla na sa 1-1 ang China at Venezuela sa Group A na nakatakdang magharap sa Miyerkules.

Dahil sa panalo ay abanse na ang Poland sa second round ng torneo.