-- Advertisements --

(Update) Panalo pa rin sa puso ng mga Pinoy si Tracy Maureen Perez sa kabila ng kabiguang masungkit ang pangalawang Miss World crown para sa bansa.

Tracy Miss World coronation 4
Poland Miss World 2021 winner

Sa katatapos na 70th coronation sa Puerto Rico, nagtapos sa Top 12 ang Miss World journey ng 28-year-old Cebuana model/industrial engineer.

Tinanghal naman bilang 2021 Miss World ang Poland, first runner-up ang United States na wagi rin sa Beauty with a Purpose challenge at second runner up ang West African country na Cote d’ivoire.

Suot ni Tracy ang makinang na kulay asul na gown na gawa ng isang United Arab Emirates-based Filipino designer na si Harvey Cenit.

“I’m so much stronger than all of the unfortunate things that did happen to me,” bahagi ng sagot ni Perez sa interview portion ng Top 12 finalists.

Samantala, bago tuluyang ipinasa ng Jamaica na tinaguriang “longest-reigning Miss World” sa kasaysayan, inawit nito ang “The Prayer” na alay sa tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia.

Ang Top 12 finish ni Tracy Perez ng Cebu, ay kapareho rin sa naging laban ng anak ni 1979 Miss International Melanie Marquez na si Michelle Dee noong 2019 sa Miss World.

Sa ngayon ay may isa pa lamang na Miss World crown ang Pilipinas na naibigay ni Megan Young noon pang 2013.