Matagumpay na nakabalik na sa mundo ang SpaceX Polaris Dawn mission.
Ang nasabing mission ay nakagawa ng kasaysayan bilang unang spacewalk na isinagawa ng mga pribadong astronauts.
Bumagsak sa karagatan ng Dry Tortugas, Florida ang Dragon spacecraft.
Ang capsule ay agad na isinakay sa recovery vessel matapos ang mahigit na isang oras noong ito ay lumapag sa mundo.
Isinailalim sa medical checkups ang mga crew nito na sina SpaceX engineer Anna Menon ,engineer Sarah Gillis, pilot Scott Poteet at commander Jared Isaacman.
Lumipad ang nasabing SpaceX nitong nakaraang Martes mula sa Kennedy Space Center kungsaan umabot sa 1,400 kilometers ang naabot nilang taas na tatlong beses na mas mataas pa sa International Space Station at pinakamalayong nabiyahe ng isang tao mula ng maganap ang Apollo mission sa buwan.
Sinasabing nagbayad ang 41-anyos na si Isaacman ng $200 milyon para isagawa ang 2021 all-civilian SpaceX Inspiration4 orbital mission.
Ang Polaris Dawn ay una sa tatlong missions sa ilalim ng Polaris program kasama sina Isaacman at SpaceX.