-- Advertisements --
Nagbunyi si Ciara Sotto na sa wakas pormal na ring kinilala bilang national sports ang pole dancing.
Una nang kinumpirma ni Sotto, pangulo ng Philippine Pole and Aerial Sports Association (PPASA) ang national association ng pole dancing na kinikilala na nga ng International Pole Sports Federation at Philippine Olympic Committee ang pole dancing.
Sinabi nito na umabot sa mahigit dalawang taon bago kinilala ang pole dancing bilang national sports.
Mula pa kasi noong 2010 ay aktibo na ang 40-anyos na si Ciara sa pole dancing kung saan naging instructor pa ito.
Sa darating na Oktubre 2021 ay gaganapin naman ang World Pole and Aerial Championships sa Lausanne, Switzerland.