CAUAYAN CITY – Naniniwala ang pamunuan ng Philippine Track and Field Association (PATAFA) na malakas ang koponan ng Pilipinas sa mga larong pole vault at women’s sprint sa 30th South East Asian Games.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Phil. Track and Field Association President Philip Juico na apat na buwan silang nagsanay sa track oval sa Lingayen, Pangasinan.
Habang lumipat din sila sa New Clark City Athletics Stadium at nagsasanay bilang paghahanda na sa 30th SEA Games.
Ang ilang manlalaro naman ay kasalukuyang nasa Amerika at Italya.
ipinagmalaki din niya si pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena, ang first Pinoy na nag-qualify sa 2020 Olympics na gaganapin sa Tokyo, Japan.
Sa takbo anya ng kanilang pagsasanay ay malakas ang pole vault at women’s sprint na tiyak may malalaking tiyansa ng gold medals sa SEA Games.