-- Advertisements --
Pinagtibay ng Mababang Kapulungan ang House Resolution 765 na kumikilala at pumupuri sa Pinoy Pole Vaulter na si Ernest John “EJ” Obiena.
Ito’y matapos masungkit ni Obiena at tatlong medalya sa magkakasunod na world events.
January 29 nang makuha ni Obiena ang gold medal sa Perche En Or tournament sa Roubaix, France.
Agad itong nasundan ng bronze medal sa kanyang paglahok sa Mondo Classic.
Dinagdagan din nito ng isa pang gintong medalya ang panalo sa isinagawang Orlen Cup sa Poland noong February 5.
Ayon kay Speaker Martin Romualdez, isa sa pangunahing may akda ng resolusyon, ang karangalang ibinigay ni Obiena sa bansa ay nararapat na bigyang papuri.