-- Advertisements --

Nagkamit ng silver medal si Olympic pole vault medalist Ej Obiena sa 13th International Meeting sa Trieste, Italy.

Natapos nito ang 5.45 meter mark sa competition.

Pumangalawa lamang siya kay Olympic gold medalist Thiago Braz da Silva ng Brazil na mayroong 5.50 meter habang nasa pangatlong puwesto si Max Mandusic ng Italy na mayroong 5.35 meter finish.

Nasa Italy na si Obiena bago pa lamang magpatupad ang bansa ng lockdown dahil sa coronavirus pandemic.

Magugunitang siya lamang ang unang Filipino na nakapag-qualify sa Tokyo Olympics sa 2021.