BACOLOD CITY – Nagsimula sa hindi basta-bastang ensayo si pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena, ang first Pinoy na nag-qualify sa 2020 Olympics na gaganapin sa Tokyo, Japan.
Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay Obiena, sinabi niyang matagal niya ding pinangarap na ma-qualify sa Olympics kaya hindi siya sumuko sa mahirap na mga ensayo para makuha ang gold medal sa athletics meet sa Chiara, Italy noon lamang Setyembre 3.
”Matagal-tagal ko rin pong ginusto na ma-qualify sa Olympics, so satisfying talaga yong achievement,” wika pa ni Obiena.
Dagdag ni Obiena, mananatili pa siya sa Italy at mag-eensayo bilang bahagi ng kanyang paghahanda naman sa World Athletics Championships na gaganapin sa Doha, Qatar mula September 27 to October 6, 2019.
Kung maalala, nahigitan niya ang sariling record na 5.76 meters bilang reigning Asian champion noong nakaraang taon sa 2019 Summer Universiade na ginanap din sa Italy nang makuha niya 5.81 meters kung saan nalampasan din nito Olympic standard na 5.80 meters.