-- Advertisements --
Belgrade Serbia
Belgrade rally/ Twitter image

Maraming mga kapulisan at protesters ang nasugatan matapos na sila ay nagkasagupa sa Serbia.

Nilusob kasi ng mga protesters ang National Assembly building sa Belgrade para kuwestiyunin ang muling pagpapatupad ng curfew dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus.

Para hindi makalapit ang mga protesters ay pinigilan sila ng mga kapulisan na makalapit.

Napilitang gumamit ng tear gas ang mga kapulisan para palayasin ang mga protesters.

Itinuturo naman ng mga kapulisan ang Far-right nationalist na siyang nag-udyok sa mga protesters na maging marahas sa kanilang kilos-protesta.

Nagsimula ang kilos protesta ng ianunsiyo ni Serbian President Aleksandar Vučić ang muli nitong pagpapatupad ng pagbabawal sa mga pagtitipon ng mahigit na limang katao at magpapatupad ng curfew mula 6pm hanggang 5am simula Biyernes hanggang Lunes.