-- Advertisements --
Muli na namang nagkasagupa ang mga Hong Kong police at mga protesters.
Napilitang magpaulan ng tear gas ang mga kapulisan dahil sa pagpupumilit ng maraming protesters na makalapit sa mga opisina ng gobyerno.
Dahil sa nasabing kilos protesta ay lubhang naapektuhan ang trapiko.
Nagbabala naman ang gobyerno ng Hong Kong na ang ginagawa nito ng mga protesters ay maaapektuhan ng lubha ang kanilang ekonomiya.
Nagsimula ang pinakahuling kilos protesta sa pamamagitan ng pag-martsa ng mga Mong Kok patungo sa sikat na shopping district na Tsim Sha Tsui.
Magugunitang umabot na sa siyam na linggo ang naganap na kilos protesta dahil sa extradtion bill na ibinasura na ng mga lider ng Hong Kong.