-- Advertisements --

Umakyat na sa 66 ang bilang ng mga nasawi sa Philippine National Police dahil sa COVID 19.
Ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar, isang 52 taong gulang na Police Captain ang nasawi sa Zamboanga City.
Base sa record, May 1 nang nagpositibo sa virus ang pulis at dinala sa ospital.
Nalipat ito sa ICU noong May 18 matapos dumaing ng hirap sa paghinga.
Makalipas ang 29 araw sa pakikipaglaban sa sakit, bumigay na ang katawan nito at binawian ng buhay kahapon.
Nagpaabot na ng pakikiramay si Eleazar sa naiwang pamilya ng pulis sabay nang pagtitiyak na makatatanggap ang mga ito ng kaukulang tulong.
Samantala, 116 bagong kaso.naman ang nadagdag sa PNP dahilan para muling umakyat sa 1, 850 ang aktibo nilang kaso.
Mayroon namang 73 bagong gumaling sa COVID 19 sa PNP.